Wednesday, February 16, 2005

M No Playah (a truthful prayer)

Tngna...akala nyo astigin ko kyo? Kala nyo gamitin ko yung SUPERB ENGLISH SKILLS ko para...la lang?!?

Hindi porke pinag-aral ako ng pamilya ko sa magandang eskwelahan eh hindi ako marunong makipag-baklaan....na di ako marunong makipag-murahan...na pa-sosyal ako at di ako cowboy(mas gus2 ko ko-boy sabihin yun).

Dahil mas maraming basura sa mundo. Naturingan pinag-aral ng magulang di ginagamit ang ulo. Naturingan na pinag-aral sa eskwelahang tinitirhan pa kamo ng madre eh mas balahura pa kung umarte.

Shit, sige na nga. Lokohin nyo na kami lahat.

Akala ata nila ganun din ako. Marami na kong pinagdaanan sa buhay ko at di nyo na ko pwedeng gaguhin. Lahat na lang ata nadaanan ko na ng isang beses. Kaya wag tayong mag-gaguhan. Kung sino ka, iharap mo sakin. Kung ano ka,iharap mo sakin. Kung ano tingin mo sakin, iharap mo rin sakin....at wala rin naman ako pakialam talaga dahil wala naman ako pakialam sa sasabihin ng kahit sino ngayon...narinig ko na yan lahat.

At hindi na ko naloloka sa kahit ano.

Ang akin lang....di ko pinaglalaruan ang nararamdaman ng ibang tao. Kung ginusto mo ko, GO. Kung ayaw mo sakin, GO. Di ako namimili ng taong haharapin at sasamahan. Di rin kasi ako nambabalewala ng nararamdaman ng iba. Insensitive lang ako pag gusto ko. Kung ayaw mo,wag mo. Kung gusto mo,eh di gusto mo. Sino ba ko para pigilan ka?

Di lang ako ganun sa pag-ibig. Pati sa kaibigan. Pero mas lalo na sa pag-ibig...sige na,aminan na ito. (Kung wala kang pakialam...bat mo binabasa to?)

Kahit kelan di ko pinaglaruan ang iba. Sabi nga ng isang kakilala ko..."Di bale nang wag ka maneryoso...ok lng yun...pero wag ka lng manloloko. May karma yun. Malaki balik nun."

TAMA KA DUN,DUDE!!!

Pag binuksan mo bibig mo at lumabas dun ang mga bagay na gustong marinig ng iba...at alam mo namang gusto nila marinig yun...(tanga lang ang walang alam)....KARMA abot mo nyan.
Pag alam mo namang may masasaktan kang iba pero gagawin mo pa rin, KARMA abot mo nyan.
Pag alam mo namang pinagkatiwalaan ka nya pero tatanga-tanga ka at sinayang mo ang tiwalang binigay syo lalu na kung alam mong hirap na hirap sha ibigay yun syo,KARMA abot mo nyan.

Di naman ako galit.

Tapos na ko sa galit sa buhay ko. Ayoko nang magalit kahit kanino, dahil ayokong masabihan ng "KARMA ABOT MO NYAN" tulad ng ginagawa ko ngayon sayo.

Ewan. Noon kasi ako naman ang tatanga-tanga eh. Ako na lang ang pinaglaruan ng lahat ng tao. Pero ayoko nga gawin sa iba, at alam ko namang Diyos na ang bahala sakin. Ibabalik din nya ang lahat ng tiwala,pakikisama,at pag-ibig na binibigay ko. Quesejodang paglaruan mo ko...quesejodang di mo ko seryosohin...quesejodang hindi talaga ako ang ikasasaya mo, basta wag mo na ang akong guguluhin. Para mahanap ko rin talaga ang para sakin.

Ngayon kung magising ka at ako pa rin pala... magdasal ka. Na sana andun pa ko sa sidewalk para maabutan mo ko pagbaba ko noon sa jeepney mo. Kasi kung hindi, umangkas ka na ng ibang pasahero. Baka nakasakay na ko sa iba, libre pa pamasahe. (Sabi kasi sa bumper sticker "Barya lang sa umaga, libre na sa maganda" hehehehe)

Kaya bahala na rin ang Diyos sa inyong mga pinaglalaruan lang ang puso ng iba. Sana nga di ka abutin ng karma mo. Dahil yun ang pinagdadasal kong wag na wag mangyayari sakin habangbuhay. Ngayon, kung mangyari naman sakin, sana di na lang Niya ko pabayaan. At alam ko namang di Nya gagawin yun.

Kung meron mang nagmahal talaga sakin ng lubos...kung meron mang hindi ako pinabayaan kahit kelan... ang Diyos lang yun. Nagsisisi nga ko kasi minsan ako na nga ang nakakalimot sa Kanya. Pero hindi Nya ko nakalimutan kahit kelan. Minsan, oo, pinahihirapan din nya ko...pero dahil lang pinagkakatiwalaan Nya ko na "KAYA MO YAN, hindi kita bibigyan ng hindi mo kaya". O, db? Ang lakas ng powers!!!

Kaya maingat din ako sa idadasal ko...kasi sa Kanya lang din talaga ko nagsusumbong eh...(pag di ko na kaya,pag masaya ko, pag wala lang...chums kme ni Papa God e)... mahirap na, baka may masabi akong ibigay Nya, kahit ano pa ang rason. Eh bka ako nmn ang hindi makakaya sa sinabi ko. Mahirap na. Kargo pa kita sa konshensha ko( oo, meron ako nun,e ikaw?).

Kya sa mga WALAAAANG katigil-tigil sa paglalaro ng puso ng iba, maghunos-dili ka! (hahahaha) Ayan na ang karma, hinahabol ka! Hala,hala,hala! Ayan na sa likod mo,wag kang titingin,aabutan ka na!

Ayan,kasi, tatanga2 ka. Ganyan tlga yan. Kung di ka aabutan ng karma....hahabulin ka ng mga multo mo...hahabulin ka rin ng lahat ng ginawa mo sa buhay mo...kaya kung ako sayo, sa susunod, konting ingat naman. Konting konsensha, konting gamit sa utak. Mahal ang tuition fee ngayon, at mahal makapag-aral. Wag mong sayangin ang ipinagod ng pamilya mo pra lng magkalaman ang ulo mo...tpos di mo pa gagamitin. Tanga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home